Tuesday, July 27, 2010

Nang Magbiro ang Tadhana

Nang Magbiro ang Tadhana
Richard M. Collado

Tumatama sa aking mata ang sinag ng araw na dahilan upang maantala ang aking kamalayan mula sa aking mapayapang pagtulog. Bumangon ako sa aking higaan. Lumabas sa aking kuwarto at nabungaran ko ang aking nanay na nakaupo sa sofa. Blangko ang mukha. Ang direksiyon ng mata’y tumatagos sa tinitingnan. Habang ang panganay naming si ate Maria ay abala sa kusina ngunit hindi masyadong malinaw sa akin kung ano ang pinagkakaabalahan. Dahil sanay na ako sa kanya na iyon ang ginagawa araw-araw, hindi ko ito masyadong binigyan ng pansin. Ngunit ang umagang ito’y hindi ordinaryo sa mga nagdaang mga taon. Mayroon akong kakaibang nararamdaman ngunit gusto kong marinig ang kasagutan mula sa bibig ng aking mga kasambahay.
Simula nang ako’y magkatrabaho, animo’y bigla akong nagkaroon ng mga pakpak sa maraming bagay. Ipinagkaloob sa akin ang salitang emansipasyon. Mula sa pananamit, sa uri ng gupit, sa organisasyong sinasalihan, sa mga okasyong dinadaluhan at higit sa lahat sa oras ng pag-uwi.
“Ang gusto namin ng nanay ninyo, kapag nakapagtapos na kayo at nagkatrabaho, gamitin ninyo ang inyong kita sa mga bagay na hindi namin naibigay sa inyo.” Ang linyang iyan ay parang isang klasikong musika sa aming pandinig. Ito’y nagbibigay sa amin ng inspirasyon at pag-asa bukod pa sa nararanasan naming pag-aaruga at nakikita naming kasipagan ng aming mga magulang. At ito’y kanilang pinaninindigan hanggang sa kasalukuyan.
Nakagawian na naming magkakapatid ang ganitong pagpapalaya sa amin ng aming mga magulang. Ngunit may mga pagkakataon naman talagang, nagbibigay sila sa amin ng mga paalaala. Sa aming magkakapatid ako na siguro ang pinakaagresibo sa pagkamit ng kalayaang ito. Dahil dito, nawalan ako ng panahon sa aking mga magulang at mga kapatid.
Pag-umuuwi ako sa bahay sa gabi, nadaratnan kong bukas ang ilaw. Ito ang ginagamit nina nanay at tatay na palatandaan na may kasambahay pang hindi umuuwi. Bumubungad sa akin ang hungkag na sala at ang hapag na may natatakpang pagkain. Na madalas namang hindi ko na ginagalaw dahil tinatamad na akong kumain o di naman kaya ay busog na ako.
May mga pagkakataon namang medyo maaga-aga ako sa pag-uwi, lumalabas sina nanay at tatay sa kanilang kwarto upang makipagkwentuhan sa akin. Dahil kung hindi nila iyon gagawin maaaring hindi na kami magkakaroon pa ng oras kinabukasan dahil alas sais y medya pa lamang ay wala na ako sa bahay dahil sa trabaho. Alas diyes ng gabi ako kadalasang umuuwi. Hindi sa ayaw ko sa bahay kundi dahil sa mga bagay na nakakapagpasaya sa akin sa labas. Ngunit sa katunayan ay sa bahay ko lamang nararamdaman ang kapayapaan at kapanatagan ng loob.
Hindi ko man naipararating sa kanila kung gaano ko sila kamahal ay naipaaabot ko naman sa kanila sa ilang mga bagay at pagkakataon. Kapag may ispesyal na okasyon, ay hindi ko nakalilimutang mag-abot ng regalo. Kapag araw ng sahuran ay hindi ko nakaliligtaang bumili ng mga kakailanganin sa bahay.
Medyo maaga ako sa pag-uwi isang gabi ng linggo, dakong alas otso, galing sa simbahan. Nadatnan ko silang lahat sa hapag kainan. Masaya silang kumakain at nagkukuwentuhan.
“Anak andyan kana pala. Halika ka na, kain na”. Tawag ni nanay pagkakita niya sa akin. Mayroon akong pag-aatubiling lumapit. Doon ko biglang naramdaman ang aking pagkukulang. Ngunit hindi ko na ipinahalata.
“Nahuli na ba ako? “ Iyon na lamang ang nahagilap kong sabihin. At dali-dali akong lumapit sa kanila at niyakap si tatay sabay abot sa kanya ang aking regalo.
“Happy Fathers’ Day tay”, buong galak kong sinabi. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ng aking ama.
“Salamat anak. Sana ganito ka kaaga palagi kung umuwi”. Walang kasing liwanag na sagot ng aking ama.
Wala akong mahagilap na magandang sagot sa pagkakataong ito kaya ngumiti na lang ako, dahil iyon ang alam kong pinakamabuti sa oras na iyon.
“Akala namin kapatid nakalimutan mo na!” Sabay tudyo ng aking mga kapatid.
“Kahit papaano kapag ganitong may mga okasyon ay palagi naman akong nandito di ba? Ang aking sagot ng may halong pagyayabang.
Marami ang aming napagkwentuhan sa gabing iyon. Naroon ang paniningil ng ilang samaan ng loob. Ang pagbabalik tanaw sa aming kamusmusan at sa nakalipas. Kung paano kami nagsimula. Ang mga di mabilang na pagsubok at kabiguan lalo na noong sabay-sabay kaming apat na magkakapatid sa sekondarya at tersyarya. Hanggang sa mga masasayang alaala na kahit papaano ay nararanasan na rin namin ang kaunting kasaganaan at kaginhawaan sa buhay. Ngunit sa lahat ng aming pinag-usapan, may isang bagay na aming pare-parehong pinakaaasam sa lahat, ang sabay-sabay naming pagkain sa hapag.
Natapos ang gabing iyon na walang puwang ang kalungkutan na para bang napunan ang lahat ng mga pagkukulang sa isa’t isa. Kaya naman sa paglatag ng aking katawan sa kama ay dala rin ang ginhawa ng damdamin at isipan. Umaasang sa aming mga panaginip ay maipararating ang aming wagas na pag-ibig sa isa’t isa. Kaya nagkaroon ako ng isang desisyon na aking sisimulan kinabukasan.
Sa umaga ngang iyon, may kung anong kakaibang sikdo sa aking damdamin. Maaari na sanang mahanapan ng kasagutan kung aking gugustuhin ngunit may bahagi ng aking pagkataong pumipigil. Pero heto na yata at dumarating ang siklo ng buhay. Ang liwanag ay kakainin ng kadiliman. Ang panimula ay kailangan ng wakasan. Ang kaligayahan ay hahalinhan ng kalungkutan at ang tagumpay ay paghaharian ng kabiguan.
“Ano bang nangyayari?” Malakas kong tanong sa aking mga kapatid. Ngunit malamig na mga mata lamang na tinutunaw ng mga umaagos na luha ang nakuha kong kasagutan.

Sunday, July 11, 2010

i almost...gained

i have almost lost a shed an unending tears
i have almost lost a priceless gem
i have almost lost a treasured life
i have almost lost a trusted fate

but....

i have gained the sweetest smile
i have gained tons of diamonds
i have gained eternal spirit
i have gained promising fortune

with...

unfathomable love of God

Tuesday, March 23, 2010

From the Desk of the INNHS School Paper Advisers

From the Desk of the INNHS School Paper Advisers
Ilocos Norte National High School

The Ilocos Norte National High School is sustaining its stature as the Premier School in the North. It has been four years over a century of productive years of existence. It becomes an oasis of total development of individuals as has been proven in the pile of luminaries it has produced.
Presently the INNHS metamorphosed from humble beginning as provincial high school to a nationally acclaimed school. Quality of instruction, curriculum development, new buildings and state-of-the-art facilities are tangible.
Indeed the government solely cannot provide all of these things, yet the school has its own means of addressing the demands of the education system through the overwhelming support of the Local Government Units, Non-Government Organizations, Civic Organizations, Parents Teachers Association and the INNHS Alumni Association.
To underscore, the INNHS Alumni Association have exemplified selfless support to projects of the school like buildings, physical facilities, electronic information system, and financial help. With the relentless support from them in helping the school develop holistically, the tradition of victory in leading numerous competitions and tilts in the division, provincial, regional, national and even international has been sustained.
On a singular note, the INNHS Class 1955 through the leadership of their Class President, Rev. Federico I. Agnir, has given more meaning to the constructed Media Building by donating the RISOGRAPH machine, desktop computer with printer and scanner which have been used in lay-outing and printing of invitations and programs of the school, especially during the INNHS Centennial Anniversary, the 2nd Issue of The Weaver and Ang Manghahabi newsletters, brochures, misallettes, and recently the souvenir book of INHS 1955.
The editorial staff of the school publication is indeed so grateful of all these blessings because its contributory to the perennial winnings in the schools press conferences especially in the group contests wherein they are giving recognition to the best school papers in various categories: best in editorial page, best in feature page, best in news page, best in sports page and best in page layout.
To compliment the donations of Class 1955, Dr. Orlando I. Agnir of INHS Class 1953 donated a laptop computer. This unit has been used by teachers who are attending seminars, trainings, and conferences in the division, regional and national levels. The laptop has also been used in the Audio-Visual Presentations in the school, division and in the regional and national hosting.
During the pilot competition of the Radio Broadcasting, the said unit was used in the technical aspect which is an edge over the other participants. And for two consecutive years now, the Ilocos Norte National High School is one of the finalists in Radio Broadcasting in the National School Press Conference (NSPC) and won the Best in Infomercial in the recently concluded NSPC.
Another great accomplishment of the school through the help of the said unit is when the Philippine Team which includes the INNHS students won an international award in the Southeast Ministers of Education Organization (SEAMEO), Best Web Magazine.
Last February 2010, in the National Schools Press Conference (NSPC) held in Tagum City, Davao del Norte, the school bagged the Best in Feature Page.
For the coming school year there is a recommendation in the NSPC that the competition in the Photojournalism will be in digital form. This is indeed a financial challenge again for the school because Digital SLR Camera is costly. To be more competitive, the school publication would like to organize trainings to the student journalists and the use of LCD projector which is not yet been furnished in the Media Building will be of immense help.
The school is extending its unending gratitude to INHS Class 1955 and Class 1953 for their support especially in the field of journalism.
The accomplishments and achievements of the school are our humble way of expressing our gratitude for your kindness and generosity. You are our genuine partners in the quest for quality education and academic excellence.
The Ilocos Norte National High School truly became the Premier School in the North because it really builds by a community.

Babae, Tagumpay Ka ng Bayan (Isang Monologo)

Babae, Tagumpay Ka ng Bayan
(Isang Monologo)
Richard M. Collado
Maraming dekada na rin ang nakalilipas nang ako’y ikinahon mula sa aklat ng mga tradisyon at paniniwala ng lipunang aking kinagisnan. Niyakap ko ang lahat ng ito ng buong pagsuyo. Walang pag-aalinlangan. Dahil sa buong pag-aakala ko’y ito ang kabuuan ng aking pagkatao, ng pagiging babae. Ngunit nitong huli’y may estrangherong damdaming nag-uumigkas na makawala sa hawla ng kalituhan. Batid kong mayroong nawawalang bahagi ng aking pagkatao. Iyan ang aking hinahanapan ng kasagutan.
Siglo 1900, sa mga panahong ito, dito lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob upang hanapin at maranasan ang mga bagay na ipinagkait sa aming mga babae, na pinaniniwalaang inferior na kasarian, ng pagkamamamayan. Kami’y napagkakaitan ng mga pribilehiyo na naibibigay at nararanasan ng aming mga kapatid na lalaki.
Kaya ang aking mga kapatid na kababaihan sa Estados Unidos, ay nagsimulang magkapit-bisig upang makagapos sa kadena ng hindi makatarungang kalakaran ng lipunan. Binuo nila ang National Women’s Trade Union League na bunsod ng trahediya ng March 1911 Triangle Shirtwaist Factory sa New York City, na siyang kumitil sa 140 nagtatrabahong kababaihan na karamihan sa kanila ay mga Italian at Jewish immigrants dahil sa pagnanais na matuldukan ang hindi makatao at hindi makatarungang kalagayan sa trabaho.
Naibigay man sa amin ang karapatang bumoto (women suffrage) ay hindi makasasapat dahil malayo pa rin sa aming nilalayong pundamental na pagsusuri ng panlipunang katayuan, kalagayan, at partisipasyon naming mga kababaihan.
Ilan lamang sa mga pangyayaring ito ang siyang gumising sa kamalayan ng mga kababaihan sa buong mundo. Bukod pa sa mga nasimulan ng pakikipaglaban ng aking mga ninunong kababaihan katulad nina Melchora Aquino, Gabriela Silang, Josefa Llanes Escoda at Aurora Quezon.
Kaya naman maging sa Europa, si Clara Zetkin at ang Socialist Women’s International ay nakiisa sa pagpapatibay na ang buwan ng Marso partikular sa ika-8 araw nito ay ipagdiriwang ang International Women’s Day, upang bigyang pagkilala ang mga ambag ng mga kababaihan sa buong mundo. Dahil sa gawaing ito, lalong nahikayat ang mga kababaihang humabi ng kasaysayan, katulad ng pag-aalsa ng 10,000 mga kababaihan sa rebolusyon sa Russia sa St. Petersburg noong 1917.
Sa mga dakilang hangarin na ito ng aking mga kapatid na kababaihan, unti-unti kaming nagkakaroon ng ibayong lakas, ang aming mga bulong ay unti-unting naging sigaw at lalong nagkakahugis ang aming katauhan. Nabigyan kami ng panibagong perspektibo sa aming pagiging isang babae.
Ngayon, dahil sa patuloy na pakikipaglaban ng mga kababaihan sa pagpapapatunay ng kanilang kakayahang makilahok sa usaping pandaigdig kinikilala na ngayon ng United Nations ang International Women’s Day.
Hindi nga kami nabigo at lalo pa naming pinagbubuti ang aming mga simulain. Kaya’t sa Pilipinas, sa pamamagitan ng kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa, Pangulong Corazon Aquino, sa bisa ng Proklamasyon blg. 224 na nagpapahayag na ang unang linggo ng Marso ay kikilalaning Women’s Week at mula ika-8 ng Marso taun-taon ay gagawing Women’s Rights and International Peace Day. Hindi lamang iyan, ang Proklamasyon blg. 227 na nagtatalaga na ang buwan ng Marso ay kikilalanin ding ‘Women’s Role in History Month’, idagdag pa ang RA 6949 na nagtatalaga na ang ika-8 ng Marso ay Special Working Holiday at kikilalaning National Women’s Day.
Ang suporta ng pamahalaan sa aming mga kababaihan ay isang buhay na katibayan sa dakila at makabuluhang pakikipaglaban namin sa tradisyunal na perspektibo ng lipunan.
Kaya ako ngayo’y nakalabas na sa aking hawla. Aking ninanamnam ang aking kalayaan kasama ko ang aking mga kapatid na kababaihan sa lahat ng mukha ng hanapbuhay at lugar. Pulis, sundalo, piloto, inhinyero, abogado, politiko, welder, construction worker, at drayber. Lubos ang aming kaligayahan sa pagpasok namin sa mundong ito na matagal na naming pinakaaasam-asam. Di matatawaran ang aming tibay sa anumang unos ng buhay. Kami’y nagtagumpay sa aming panatang pakikitalad sa ngalan ng pagkakapantay-pantay na naging daan sa pagpasa sa Magna Carta of Women, pagsasagawa ng Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women, ang Beijing Platform for Action, ang Millennium Development Goals (2000-2015), ang Philippine Plan for Gender-Responsive Development (1995-2025), at ang Framework Plan for Women.
Kaming mga nilalang na hinugot sa tadyang ng mga kalalakihan ay hindi katunggali kundi’y katuwang sa isang wagas, dalisay at dakilang adhika. Kami’y handang makipagsandugo sa paghilom sa sugat ng bayan na nagnaknak sa paglipad ng dahon ng panahon. Kaming mga babae, ay buong tapang na nakikiisa sa tagumpay ng bayan.

Saturday, October 31, 2009

Handog Sining

Handog ng Sining
Richard M. Collado

Alay ng mga bayani
Sa lahing kayumanggi
Hinubog ng dakilang hangarin at kaisipan
Sa buong kapulua’y pumailanlang

Pilipino’y may sarili nang kalinangan
Bago pa inalintana ng mga dayuhan
Ngunit di naging punyal na balakid
Upang magpakapantas yaring isip

Sining lalong namukad
Mga diwa’y inukit sa mga titik
Ng mga buhay na kaluluwang
Manlilikha ng musika, sayaw at awit


Refrain:
Kaya ngayon sama-sama tayo sa iisang tinig
Mapahilaga, timog, kanluran, silangan ang ating himig
Bunga ng dugo ng mga ninuno natin
Ipagdiwang ang buhay na handog ng sining

Ang pagkakaiba’y, huwag alintanahin
Ating pagsaluhan, ating pagyamanin
Ipagbunyi angking yaman ng mga Pilipino
Masasalamin sa kultura at sining mo

Monday, October 26, 2009

ON A DAY IN A LIFE OF A TEACHER

HOW DO WE KEEP THE SONG PLAYING
ON A DAY IN A LIFE OF A TEACHER
Richard M. Collado


She was being embraced by the cool December breeze passing through the old window made out of Capiz in their room. The fragrance of the guyabano, papaya, and other fruit bearing trees in bloom made a soothing sight of that early morning. She bent up her body with life bulging in her womb from the past restful and peaceful night. She gazed at her partner in life while still in his deep slumber from his graveyard schedule as a shift manager on a fastfood chain. As she is about to go to the kitchen she laid her hand to her two of the causes of her life, a four year old hyperactive son and a lovely one year old daughter.

She hurriedly went down from the staircase and prepare for a sumptuous breakfast and milk for her children. While doing the morning chores she suddenly hums a timeless song, a song that makes teachers more noble and committed in their profession.
I’m a teacher a purveyor of truth and light,
I’m a teacher I was born to improve mankind
It’s my duty to enlighten the world and
And guide the young to the path of the Lord.

It’s already forty five minutes past the hour of six. She’s almost ready for school. She carried all her things with her vibrant maternity dress. She never fails to pay hugs and kisses to her siblings and her wife. As she went on to the waiting shed for a ride she took a deep breath and look at the vibrant sky as if asking for the ultimate creator to give her renewed commitment to her profession.

Indeed, teaching is one of the noblest professions. Or better be called a vocation. The travails which they pass through are untold. A teacher is a personification of righteousness, justice, fairness, beauty, and other virtues worth emulating by young minds.

I’m a teacher I must teach what is good and right
I’m a teacher I must live what I preach in life
As a model citizen of the world,
I must in thoughts, words and deeds be so good.

Now she’s in the portal of the nostalgic workplace. It’s her home for years, a world which she considers a home away from home. She finds the ingredients of a family. She was greeted by sweet lovely pupils wearing a contagious smile, comforting gestures of genuine affection from friends and co-workers who became her parents, brothers and sisters in most trying times. Yes this has been her kingdom for eight to ten hours a day, five times a week. This is where she spends most of time. At times she has been haunted by a feeling of guilt for she can’t pay much quality time to her kids and family. But that’s what a teacher all about. There are a lot of things she needs to forget once in a while for the good of others. She offers her selfless love to her clients for that is her calling. She needs to plant goodness not to expect something in return but for good is good. Her longing for her kids is being transferred to her pupils. That’s the very reason why the mother’s affection comes out naturally in her. She finds genuine happiness looking at them metamorphosed. Such a simple learning she saw in them gave her a feeling achievement.

In the children I write the future
In their learning I find great joy
I might never sit on a throne
But I’m contended my life is full

With all her impetus drive in teaching she didn’t even noticed its snack time. Some of her pupils ran towards her sharing some stuff which they brought with them for snacks. Undeniable there is a pinch of happiness in her heart. That simple gesture affirms her somehow how she has been loved by her pupils. While taking her snacks with them she called on her pupils who are going for a tilt. She made a point to check how far they have gone preparing for the competition. She sees to it they were able to do their assigned tasks. That was just in a couple of minutes but it will contribute somehow, because it isn’t her who will be competing but the pupils themselves. She has trying to imbibe the sense of responsibility and discipline.

She went back teaching after the snack. She faced the class with all enthusiasm and delight to deliver a new lesson. The room was filled with energy. The lesson became more interesting and more competitive because of the varied activities she has been giving.

One of the most awaited part of the day is the communion with her co-workers sharing the food for their lunch and the food they got from their classrooms- their interaction and experience with their pupils. It’s in this socialization that they will able to improve themselves as an individual and as a professional.

It’s time for the afternoon session. In the middle of her discussion, an unusual scenery did never escape from her sight. One of her pupils from the back is not paying attention on her. Instead, he is writing something on his paper. She walks slowly towards the little boy while delivering her lectures. The boy didn’t notice her. In her amazement, she saw the boy making a sketch of a woman having a big bulge on her stomach, wearing a floral printed maternity dress, with a short black hair, and has that lively rounded eye carrying a pile of books and a shoulder bag. Admittedly, she has made a conclusion that it was her whom the little boy is sketching. Instead of interrupting him she just continued her lesson.

Yes, I’m a teacher I must brave all the roaring waves
And the fury of the rivers and lakes and seas
I must climb on up the mountains and hills
Where children there wait for my love and care

At 4:30 o’clock, the bell prompted the end of the class. As customary, the kids bid the teacher adieu and run hurriedly towards the gate, a precursor that a day’s work is complete again. The teacher wipes her temple as she erases the blackboard. When she turns towards the room, she sees the sight of trembling child in an unnerving situation glued to the green painted chair. The little boy’s guilt trip was discernible; she could see it in those tiny, misty and apologetic brown eyes. She blankly approached the little boy when suddenly the boy said in a croaked voice…. “I know you will scold me. Ma’am I’m sorry for not paying attention, I was busy sketching my favorite teacher… Here look ma’am….” Then in a flash, he went out of the room leaving the room hastily with the teacher taken aback.

She looks at the paper in wild bewilderment. It seemed forever. It is a picture of a pregnant woman, who exactly looks like her. In an unruly penmanship it reads “teacher Marifel, my hero, my inspiration. That itself is a priceless possession, a precious gift, it’s more than everything. As she excitedly fixing herself going home and play another role of being a mother and a wife she’s carrying smile of contentment.

In the jeepney where she’s riding bound home, she gazed at the flame painted sky while the song keeps on playing, lulling her sense from a tiresome yet fulfilling day.

In the mountain or in the city
On an island where I may be
I shall keep on bringing the light
And live as a teacher until I die.

Thursday, October 8, 2009

MVF: Pundasyon ng Liwanag at Pag-asa

MVF: Pundasyon ng Liwanag at Pag-asa
Richard M. Collado

Sa bayang nahaharap sa napakaraming mga hamon, maaaring ang liwanag ng pag-asa’y mailap na masilayan. Subalit sa bayang puno ng mga pagpapahalagang nababalot ng kadakilaan ang pag-asa’y hindi sa kinabukasan pa masisilayan kundi ito’y mangyayari na sa kasalukuyan.

Ang lungsod ng Laoag, lugar ng mga mamamayang nagsisikap na makipagsabayan sa panahon. Dahil sa kanilang natatanging kaugalian, namumukod sila sa karamihan. Napananatili nila ang kaayusan, kagandahan, at kapayapaan ng lugar. Kaya naman, di lamang ang mga nananahan dito ang nahahalina kundi maging ang mga turistang galing saanmang lupalop ng bansa at ng mga dayuhan. Ayon sa kanila, ang lungsod ay pangalawang tahanan malayo sa kanilang tahanan dahil sa pang-akit nitong taglay.

Ang tahanan ay nangangailangan ng isang matibay na pundasyon upang manatili ito sa katatagan. Isang moog na sandalan sa anumang panahon, sa lahat ng pagkakataon. Ang mga Laoagueño ay nananahan ang kanilang kapanatagan sa pagkakaroon ng isang pinunong may matatag na pundasyon sa kanyang pamumuno. Sinubok at hininog ng panahon. Mayor Michael Versoza Fariñas o kilala bilang si MVF, kapita-pitagan, kagalang-galang at minamahal ng kanyang mga mamamayan sa kanyang katapatan sa kanyang tungkulin.

Sa kanyang mga dakilang mga panukala, programa at adhikain katulad ng “Trabaho Mo, Sagot Ko”, pagpapaunlad sa serbisyo, proteksyon at kalusugan ng publiko, “Wish ko Kay Mayor Program”, “Iskolar ni MVF” at sa turismo ito’y naging daan ng lungsod upang lalong umunlad at makilala.

Dahil sa kanyang mga matagumpay na programa at pamumuno umani siya ng mga parangal. Ilan dito ay ang Most Outstanding “City Mayor of the year/Exemplary Public Servant” and “Foremost Advocate of Good Government, Local Government Leadership Awards, at sa kanyang panunugkulan ay natanggap ng lungsod ang Apolinario Mabini Award na ibinigay mismo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

At kamakailan lamang noong Setyembre 17 iginawad sa kanya ang 2009 CSC Pag-asa Award sa Palasyo ng Malacañan dahil sa kanyang katangi-tanging paraan ng paglilingkod na nagbigay ng malaking tulong sa kapakanan ng mga mamamayan.


Ngayon masasabing ang lungsod ng Laoag ay kasalukuyang tinatamasa ang liwanag. Ginawang posible ang pag-asa na mangyayari na ngayon at hindi sa darating pang bukas dahil sa kadakilaan ni MVF na naging tunay na pundasyon ng liwanag at pag-asa sa mga Laoagueño.