MVF: Pundasyon ng Liwanag at Pag-asa
Richard M. Collado
Sa bayang nahaharap sa napakaraming mga hamon, maaaring ang liwanag ng pag-asa’y mailap na masilayan. Subalit sa bayang puno ng mga pagpapahalagang nababalot ng kadakilaan ang pag-asa’y hindi sa kinabukasan pa masisilayan kundi ito’y mangyayari na sa kasalukuyan.
Ang lungsod ng Laoag, lugar ng mga mamamayang nagsisikap na makipagsabayan sa panahon. Dahil sa kanilang natatanging kaugalian, namumukod sila sa karamihan. Napananatili nila ang kaayusan, kagandahan, at kapayapaan ng lugar. Kaya naman, di lamang ang mga nananahan dito ang nahahalina kundi maging ang mga turistang galing saanmang lupalop ng bansa at ng mga dayuhan. Ayon sa kanila, ang lungsod ay pangalawang tahanan malayo sa kanilang tahanan dahil sa pang-akit nitong taglay.
Ang tahanan ay nangangailangan ng isang matibay na pundasyon upang manatili ito sa katatagan. Isang moog na sandalan sa anumang panahon, sa lahat ng pagkakataon. Ang mga Laoagueño ay nananahan ang kanilang kapanatagan sa pagkakaroon ng isang pinunong may matatag na pundasyon sa kanyang pamumuno. Sinubok at hininog ng panahon. Mayor Michael Versoza Fariñas o kilala bilang si MVF, kapita-pitagan, kagalang-galang at minamahal ng kanyang mga mamamayan sa kanyang katapatan sa kanyang tungkulin.
Sa kanyang mga dakilang mga panukala, programa at adhikain katulad ng “Trabaho Mo, Sagot Ko”, pagpapaunlad sa serbisyo, proteksyon at kalusugan ng publiko, “Wish ko Kay Mayor Program”, “Iskolar ni MVF” at sa turismo ito’y naging daan ng lungsod upang lalong umunlad at makilala.
Dahil sa kanyang mga matagumpay na programa at pamumuno umani siya ng mga parangal. Ilan dito ay ang Most Outstanding “City Mayor of the year/Exemplary Public Servant” and “Foremost Advocate of Good Government, Local Government Leadership Awards, at sa kanyang panunugkulan ay natanggap ng lungsod ang Apolinario Mabini Award na ibinigay mismo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
At kamakailan lamang noong Setyembre 17 iginawad sa kanya ang 2009 CSC Pag-asa Award sa Palasyo ng Malacañan dahil sa kanyang katangi-tanging paraan ng paglilingkod na nagbigay ng malaking tulong sa kapakanan ng mga mamamayan.
Ngayon masasabing ang lungsod ng Laoag ay kasalukuyang tinatamasa ang liwanag. Ginawang posible ang pag-asa na mangyayari na ngayon at hindi sa darating pang bukas dahil sa kadakilaan ni MVF na naging tunay na pundasyon ng liwanag at pag-asa sa mga Laoagueño.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment