Handog ng Sining
Richard M. Collado
Alay ng mga bayani
Sa lahing kayumanggi
Hinubog ng dakilang hangarin at kaisipan
Sa buong kapulua’y pumailanlang
Pilipino’y may sarili nang kalinangan
Bago pa inalintana ng mga dayuhan
Ngunit di naging punyal na balakid
Upang magpakapantas yaring isip
Sining lalong namukad
Mga diwa’y inukit sa mga titik
Ng mga buhay na kaluluwang
Manlilikha ng musika, sayaw at awit
Refrain:
Kaya ngayon sama-sama tayo sa iisang tinig
Mapahilaga, timog, kanluran, silangan ang ating himig
Bunga ng dugo ng mga ninuno natin
Ipagdiwang ang buhay na handog ng sining
Ang pagkakaiba’y, huwag alintanahin
Ating pagsaluhan, ating pagyamanin
Ipagbunyi angking yaman ng mga Pilipino
Masasalamin sa kultura at sining mo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment