Tuesday, August 28, 2012
KALIDAD NA ESTADISTIKA SA PANGANGALAGANG PANLIPUNAN: PAGPAPAHUSAY NG GAWA, PAGPAPAUNLAD NG BUHAY
KALIDAD NA ESTADISTIKA SA PANGANGALAGANG PANLIPUNAN:
PAGPAPAHUSAY NG GAWA, PAGPAPAUNLAD NG BUHAY
Richard M. Collado
“Ang katotohan ang siyang magbibigay sa atin ng kalayaan. “
Maging sa modernong panahon, ang paniniwalang ito ay animo’y isang klasikong awitin. Nananatili ang kahulugan at kabuluhan kahit lumipas pa ang ilang heneresyon.
Sa larangan ng edukasyon, inilathala noong September 24 na ang mga kinikilalang unibesidad ay hindi nakapasok sa 300 world university rankings sa taong 2011-2012 bagamat ang Unibersidad ng Pilipinas pa rin ang pinakamataas sa bansa sa pwestong 332. Kung ang ating pagbabasehan ay ang Gross Domestic Product, ang Pilipinas ay pang-anim sa pinakamababa sa Timog-Silangang Asya. Nitong nakaraang Setyembre 10, umaabot sa 70, 204 ang mga kaso ng dengue sa ating bansa bagamat ito ay bumaba ng 52% kung ikukumpara sa nakaraang taon.
Ito ay ilan lamang sa mga katotohanang inaasam nating tayo ay makalalaya. Nakalulungkot isipin na ito ang larawan ng Pilipinas ngunit hindi lingid sa kaalaman ng mga Pilipino na ang lahi natin ang isa sa may pinakapositibong pananaw sa buhay sa buong mundo, pinipilit pa ring bumangon at nagpapakatatag upang ito’y malampasan.
Sa kasalukuyang administrasyon, maraming mga hamon ang mga naghihintay na mapag-ukulan ng pansin. Kaya’t bilang pagsisimula, hinihikayat ni pangulong PNoy ang ating pagtahak sa ‘tuwid na landas’. Upang ito’y makamit kailangang baguhin ang mga tradisyunal na pananaw. Ang pagbibigay ng labis na pagpapahalaga sa mga opisyales ng pamahalaan ay hindi nararapat, sapagkat hindi sila dapat pagsilbihan, sila dapat ang magsilbi sa bayan. Kaya ngayon, pinaiigting niya ang kanyang kasunduan sa bayan - ang pagbibigay halaga sa nakararami at hindi sa iilan lamang na nakikinabang.
Noong Setyembre 2000, ang mga pinuno ng 189 na bansang kasapi ng United Nations (UN) ay nagtipun-tipon sa Millenium Summit upang pagtibayin ang kanilang panata sa pagsugpo sa kahirapan at sa lahat ng uri ng pagsasamantala sa kapakanan ng mamamayan batay sa UN Millenium Declaration. Ang kanilang mithiin ay mabubuo sa pamamagitan ng walong Millenium Development Goals na inaasahang matutupad sa 2015.
Ang Pilipinas, bilang isa sa mga lumagda sa UN Millenium Declaration, ay nakiisa upang ito’y makamtan. Upang lalong mapagtibay ang suporta at pagsisiyasat sa tunguhin ng MDGs ang National Statistical Coordination Board (NSCB) ay naatasan sa bisa ng Resolution blg. 10 serye 2004 upang mamahala sa pangangalap ng mga datos sa tulong ng iba pang data sources at stakeholders sa pagsubaybay sa pagpapatupad ng tunguhing ito.
Kung sa usapin ng kahandaan ng mga datos bilang pagsuporta sa MDG, base sa ulat ng United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (UN-ESCAP) noong 2003, ang Pilipinas ay nangunguna sa lahat ng 11 bansa sa Timog-Silangang Asya at pang-apat sa buong Asya Pasipiko.
Ang programang MDG 2015 ng United Nations ay patuloy na itinataguyod ng ating bansa. Kaya ang pamahalaan ay gumagawa ng mga paraan upang matugunan ang mga hamong ito. Sa pamamagitan ng pinaigting na Community-Based Monitoring System, mas napadali ang pagbuo ng mga konklusyon at rekomendasyon batay sa pagsusuri sa pamamagitan ng estadistika na nagiging batayan sa paglulunsad ng mga programa bilang katugunan sa mga pangangailangan.
Kung susuriin ang naging sentro ng walong agenda ng MDG ay sa pangangalagang panlipunan na umunlad sa European Union. Bagamat ang modelo na ginagamit sa programa ukol sa pangangalagang panlipunan ay naiiba sa bawat bansa ayon sa kanilang pangangailangan.
Sa Pilipinas, ang panlipunang serbisyo ay sumasakop sa batayang edukasyon, kalusugan ng publiko at programa sa conditional cash transfer na mas kilala sa tawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Upang makaagapay sa programang ito, batay sa panukalang nasyunal na budget para sa taong 2012 na 1.85 trilyong piso na katumbas ng 41.85 bilyong dolyar ay tumaas ng 10.4 porsiyento sa kasalukuyang taon. Ang pinakamalaking budget ay napunta sa panlipunang serbisyo na may tatlumpong (30) porsiyento. Dalawamput limang (25) porsiyento naman ang napunta sa serbisyong pang-ekomoniya na nakalaan para sa imprastraktura, agrikultura, turismo at industriya.
Samantala, ang pangkalahatang serbisyo sa publiko ay makatatanggap ng 17.7 porsiyento at 6.1 porsiyento ang mapupunta sa sektor ng defens.
Kung susuriin ang nasyunal na budget sa 2012, inaasahang magkakaroon ng pagbabago sa buhay ni Juan dela Cruz lalo pa’t ang mga mahahalagang pangangailangan ng mga mamayan ay lubos na binigyan ng pansin.
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula nang simulan noong 2008, ay naging isa sa mga pinakamalaking programa sa pagsugpo ng kahirapan at pangangalagang panlipunan. Dahil sa matagumpay na implementasyon ng programang ito sa ibang bansa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Pilipinas na itinuturing na isa sa mga ahensya ng pamahalaan na lubusang nagbibigay halaga sa integridad sa kabila ng patuloy na umiiral na korupsyon. Kaya mula noong 2006 ito ang nananatiling nangunguna ayon sa Pulse Asia. Ang programang ito ay naglunsad ng 6,000 na benepisyari sa 4 na munisipalidad at 2 siyudad noong 2007. Noong nakaraang Enero sa taong ito, ang 4Ps ay may halos 1 milyong benepisyari sa 782 siyudad at munisipalidad sa 81 probinsya sa 17 rehiyon ng Pilipinas.
Kung mapaninindigan ng ating pamahalaan ang magandang pagpapatakbo sa mga programang ito hindi lalayo ang agwat ng mga mayayaman at ng mga mahihirap. Kahit pa sa kabila ng pagkilala sa Pilipinas bilang ika-12 na may pinakamalaking populasyon sa buong mundo na tinatayang may humigit 99 milyon, hindi ito magiging kapintasan kung ang mga mamamayan nito ay namumuhay ng may dignidad at produktibo dahil naibibigay sa kanila ang nararapat.
Kaya naman, sa mapanagutang pagpapatupad sa mga programang ito, unti-unting lumiliit ang bilang ng mga Pilipinong masasabing dumaranas ng kahirapan. Katulad na lamang halimbawa ayon sa opisyal na Poverty Statistics noong 2009 na ipinalabas ng National Statisctics Coordination Board, ang isang Pilipino ay nangangailangan ng 974 piso upang masustentuhan ang buwanang pagkain at 1,403 piso upang makaahon sa kahirapan.
Ang mga naiuulat sa media: pahayagan, radyo at telebisyon, kaakibat ng mga datos mula sa pananaliksik at pag-aaral, kasama ng may kalidad na estadistika ay lubusang nakatutulong upang mabigyan ng larawan ang mga mamamayan ng kasalukuyang kalagayan ng bansa sa lahat ng aspeto ng buhay. Ito’y nagisislbing paalaala upang gumawa ng mga bagong kaparaanan bilang kasagutan sa mga umiiral na pambansang suliranin.
Dahil sa mga estadistikang lumalabas naging mas maagap ang mga kinauukulan upang gumawa ng mga pagkilos. Isang patunay ay ang pagpapahayag ng ating Pangulo sa kanyang pagdalaw sa Estados Unidos na ang ating bansa ay nakaipon ng 900 bilyon sa loob ng isang taong pamumuno.
Bilang kabataan na nasa kasibulan ng panahon, nasisiyahan akong marinig na nagbabago na ang paningin ng mundo sa Pilipinas, hindi na Bansa ng Magnanakaw, hindi na Bansa ng Domestic Helper, hindi na bansang corrupt ang Pangulo.
Ito’y isang napakalaking hamon sa lahat ng ahensya ng pamahalaan upang pag-ibayuhin ang kanilang napakadakilang pagsisimula ng pagbabago. Gaano man kaliit o kapayak ang mga hakbang na ito, pakaisipin natin na sa maliit nagsisimula ang mga malalaking bagay.
Hindi maiiwasan na kung minsan hindi natin matanggap ang mga lumalabas na estadistika sa lalo na’t ito’y kaugnay ng pangangalagang panlipunan, dahil sa ating sariling kapabayaan at pagsasawalang bahala, ngunit ito ang katotohanan. Sa halip na magsawalang balikat, ito’y ating tanggapin at harapin upang makagawa tayo ng pagbabago sapagkat ang katotohanan ang magpapalaya sa atin sa kahirapan, magpapahusay sa ating gawa at magpapaunlad sa ating buhay.
Mga kapwa ko Pilipino, halina! Samahan natin ang ating Pangulo sa kanyang mga adhikain, at maniwala tayo sa katotohanan na laging namumutawi sa kanyang bibig – “kung walang corrupt, walang mahirap”.
Saturday, January 29, 2011
TATLUMPO’T LIMANG TAONG SUMPAAN
TATLUMPO’T LIMANG TAONG SUMPAAN
The Official Theme Song of Trifonio and Eufemia Collado 35th Wedding Anniversary
Lyrics: Richard M. Collado
Music: Richard M. Collado
Instrument: Angelbert Laureta
Interpreter: Rosemarie, Roselie, Richard and Braian Collado
IPINAGKALOOB KA SA AKIN NG MAYKAPAL
KASAGUTAN KA SA AKING MGA DASAL
MAKAPILING KA HABAMBUHAY
KARAMAY SA LIGAYA AT LUMBAY
MAGKASAMANG NANGARAP NG PAMILYA
TIGIB NG PAGMAMAHAL AT PANG-UNAWA
HINASA NG MGA UNOS, PINATIBAY NG PAG-ASA
HANGGANG NGAYO’Y KARUGTONG NG ISA’T ISA
Koro:
TATLUMPO’T LIMANG TAON NOON AY ISANG PANGARAP
ANG LAYONG MARATING, NGAYO’Y ISA NANG GANAP
MGA SUPLING LUMAKI AT NAMUNGA NA RIN
SILANG NAGPAPAALAB SA PAG-IIBIGAN NATIN
SA HARAP NG DIYOS MULI TAYONG MANUMPA
KAMATAYAN LANG TUTULDOK SA PAGSASAMA
SA KABILANG BUHAYNA LANG DUDUGTUNGAN
DAKILANG PAG-IBIG MULING PAGSALUHAN
DUMALAW MAN KALUNGKUTAN AT PIGHATI
PAG-IBIG NA WAGAS AY MANANATILI
SISIKAPING DI PAGAGAPI, SINUMANG MAGMITHI
PATUNAYANG SUMPAA’Y HINDI MASASAWI
TAYO’Y MANANANATILING SAKSI SANA
SA HIWAGA NG PAG-IBIG NA DAKILA
ANG HABA NG PANAHONG TAYO’Y MALIGAYA
NASA ATING PUSO ANG PAGTITIWALA

Wednesday, January 12, 2011
Saan Aabot ang Iyong 20 Piso?
SAAN AABOT ANG IYONG 20 PISO?
Richard M. Collado
“Saan aabot ang iyong 20 piso?” ‘ yan ang linyang pambungad ng isang patalastas sa telebisyon. Kung hindi sinagot kaagad ng nasabing patalastas marahil kung anu-ano pa ang ating maiisip. At ngayon nga may bago na naman, ang 5 piso ay maaaring aabot sa isang linggo. Napakagaling nga ng mga gumagawa ng mga patalastas ngayon. Talagang nakukuha nila ang atensyon ng publiko. Paano nga kasi, karamihan sa mga Pilipino ay talaga nga namang naghihigpit ng sinturon sa lahat ng mga bagay dahil sa hindi mapigil-pigil na paglala ng kahirapan.
Katatapos nga lang ng bakasyon. Dalawang buwan din ito. Ngunit ilan kaya sa mga kabataan ang makapagsasabing, ang dalawang buwang ito ay sadyang makabuluhan sa kanila. Ilan naman kaya sa mga magulang ang natutuwa na tapos na ang bakasyon o natutuwa nga kaya sila? O lalo silang kinakabahan dahil sa gastusin sa panahon ng pasukan?
Kadalasan, pinaniniwalaan ng mga kabataan na kakambal ng pagsasaya ang dalawang buwang bakasyon. Sila’y libre sa mga nakahahamong gawain sa klase. Ngunit di naman ganoon kadali sa lahat. Dahil ang mga ilan sa kanila ay nagtatrabaho rin upang makapag-ipon ng kaunti para sa pasukan at makatulong sa mga magulang. Iyan ang katotohanan. Napakaswerte nga lang ng iba, lalo na kung ang kanilang pamilya ay may kaya nakapagliliwaliw at nakakapamasyal sila sa mga lugar na talaga nga namang makapagbibigay ng kakaibang ginhawa mula sa pang-araw-araw na mga gawain.
At heto na nga, pasukan na naman. Paano kaya makahahabol ang mga kabataang kapos sa pera upang mabigyan ang sarili ng kasiyahan kahit tapos na ang baksyon? May maaabot pa kaya ang kanilang 5 piso? 20 piso? Paano kaya sila makakapamasyal sa halagang iyan kung ang pamasahe na nga lang sa traysikel ay 8 piso na. Kung mamalasin at wala kang makasabay dududlehin pa. Saan na ang iyong 20 piso?
Ngunit huwag mag-alala. Sa ngayon may solusyon na tayo riyan. Kung gugustuhin natin may magagawa tayo. Basta gamitin lang nang tama ang ating panahon at pera. Ang halagang 20 piso ay malayo ang maabot nito. Makararating ka sa ibayong dagat o kahit saan pang lupalop ng mundo sa loob lang ng isang oras. Hindi ito imposible! Ito’y pawang katotohanan.
Isang lugar lamang ang pupuntahan at pwede mo nang makamit ang iyong pinakaaasam. Nagkalat ito sa palibot ng mga paaralan o maaaring sa loob mismo ng paaralan. Mata at kamay lamang ang kelangan at ang iyong 20 piso, sa loob ng isang oras, marami ka ng mapupuntahan. Ang paggamit ng tama sa tinatawag natin na world wide web (www) o minsan pinakapalasak nang tawag ang internet ay malaki ang naitutulong sa atin sa kahit na anong larangan. Ekonomiya, pulitika, pamahalaan, kalikasan, turismo at marami pang iba. Ipindot mo lang ang gusto mo at bibigyan ka nito ng kasagutan.
Kaya naman huwag tayong dapat malungkot kung tayo’y hindi nakapagbakasyon. Dahil makahahabol pa tayo. Mararating pa rin natin ang mga lugar na gustong mapuntahan. Hindi man tayo pisikal na makapupunta roon ngunit sa pamamagitan ng ating mayamang imahinasyon at pagkamalikhain mabibigyan natin ng kasiyahan ang ating sarili. Marami ngayon sa mga anunsiyo sa telebisyon o programa sa telebisyon na nagtatampok sa mga magagandang pasyalan. Dito ibinibigay nila ang kanilang mga website upang mabisita natin ang mga lugar na ito at lalo tayong mabigyan ng impormasyon. Para sa mas marami pang lugar na pwedeng pasylan mag log on sa website ng Department of Tourism (DOT) at doon makikita ang mga links ng mga lugar na gustong mapuntahan. Di mo na kailangan pang magpagod sa biyahe, gumastos ng mahal, at gugulin ang ilang araw o linggo upang malibot ang mga ito. Dahil maaari mo itong gawin sa loob ng isang oras sa halagang 20 piso.
Ang 20 piso kung iisipin ay parang wala ng halaga, ngunit sa isang kabataang lubusang nagtitipid sa pera, may pagmamalasakit sa mga magulang at pamilya, at may pagpapahalaga sa kaalaman at edukasyon ang halagang ito ay malaki ang mararating. Sa taong panuruang ito, sana’y lubusang makatulong ang bawat 20 piso upang makamit ang pinakaaasam na magkakaroon ng karagdagang kaalaman sa maraming makabuluhang bagay.
Ikaw, ano naman ang naiisip mong makabuluhang bagay na aabutin ng iyong 20 piso?

Tuesday, July 27, 2010
Nang Magbiro ang Tadhana
Nang Magbiro ang Tadhana
Richard M. Collado
Tumatama sa aking mata ang sinag ng araw na dahilan upang maantala ang aking kamalayan mula sa aking mapayapang pagtulog. Bumangon ako sa aking higaan. Lumabas sa aking kuwarto at nabungaran ko ang aking nanay na nakaupo sa sofa. Blangko ang mukha. Ang direksiyon ng mata’y tumatagos sa tinitingnan. Habang ang panganay naming si ate Maria ay abala sa kusina ngunit hindi masyadong malinaw sa akin kung ano ang pinagkakaabalahan. Dahil sanay na ako sa kanya na iyon ang ginagawa araw-araw, hindi ko ito masyadong binigyan ng pansin. Ngunit ang umagang ito’y hindi ordinaryo sa mga nagdaang mga taon. Mayroon akong kakaibang nararamdaman ngunit gusto kong marinig ang kasagutan mula sa bibig ng aking mga kasambahay.
Simula nang ako’y magkatrabaho, animo’y bigla akong nagkaroon ng mga pakpak sa maraming bagay. Ipinagkaloob sa akin ang salitang emansipasyon. Mula sa pananamit, sa uri ng gupit, sa organisasyong sinasalihan, sa mga okasyong dinadaluhan at higit sa lahat sa oras ng pag-uwi.
“Ang gusto namin ng nanay ninyo, kapag nakapagtapos na kayo at nagkatrabaho, gamitin ninyo ang inyong kita sa mga bagay na hindi namin naibigay sa inyo.” Ang linyang iyan ay parang isang klasikong musika sa aming pandinig. Ito’y nagbibigay sa amin ng inspirasyon at pag-asa bukod pa sa nararanasan naming pag-aaruga at nakikita naming kasipagan ng aming mga magulang. At ito’y kanilang pinaninindigan hanggang sa kasalukuyan.
Nakagawian na naming magkakapatid ang ganitong pagpapalaya sa amin ng aming mga magulang. Ngunit may mga pagkakataon naman talagang, nagbibigay sila sa amin ng mga paalaala. Sa aming magkakapatid ako na siguro ang pinakaagresibo sa pagkamit ng kalayaang ito. Dahil dito, nawalan ako ng panahon sa aking mga magulang at mga kapatid.
Pag-umuuwi ako sa bahay sa gabi, nadaratnan kong bukas ang ilaw. Ito ang ginagamit nina nanay at tatay na palatandaan na may kasambahay pang hindi umuuwi. Bumubungad sa akin ang hungkag na sala at ang hapag na may natatakpang pagkain. Na madalas namang hindi ko na ginagalaw dahil tinatamad na akong kumain o di naman kaya ay busog na ako.
May mga pagkakataon namang medyo maaga-aga ako sa pag-uwi, lumalabas sina nanay at tatay sa kanilang kwarto upang makipagkwentuhan sa akin. Dahil kung hindi nila iyon gagawin maaaring hindi na kami magkakaroon pa ng oras kinabukasan dahil alas sais y medya pa lamang ay wala na ako sa bahay dahil sa trabaho. Alas diyes ng gabi ako kadalasang umuuwi. Hindi sa ayaw ko sa bahay kundi dahil sa mga bagay na nakakapagpasaya sa akin sa labas. Ngunit sa katunayan ay sa bahay ko lamang nararamdaman ang kapayapaan at kapanatagan ng loob.
Hindi ko man naipararating sa kanila kung gaano ko sila kamahal ay naipaaabot ko naman sa kanila sa ilang mga bagay at pagkakataon. Kapag may ispesyal na okasyon, ay hindi ko nakalilimutang mag-abot ng regalo. Kapag araw ng sahuran ay hindi ko nakaliligtaang bumili ng mga kakailanganin sa bahay.
Medyo maaga ako sa pag-uwi isang gabi ng linggo, dakong alas otso, galing sa simbahan. Nadatnan ko silang lahat sa hapag kainan. Masaya silang kumakain at nagkukuwentuhan.
“Anak andyan kana pala. Halika ka na, kain na”. Tawag ni nanay pagkakita niya sa akin. Mayroon akong pag-aatubiling lumapit. Doon ko biglang naramdaman ang aking pagkukulang. Ngunit hindi ko na ipinahalata.
“Nahuli na ba ako? “ Iyon na lamang ang nahagilap kong sabihin. At dali-dali akong lumapit sa kanila at niyakap si tatay sabay abot sa kanya ang aking regalo.
“Happy Fathers’ Day tay”, buong galak kong sinabi. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ng aking ama.
“Salamat anak. Sana ganito ka kaaga palagi kung umuwi”. Walang kasing liwanag na sagot ng aking ama.
Wala akong mahagilap na magandang sagot sa pagkakataong ito kaya ngumiti na lang ako, dahil iyon ang alam kong pinakamabuti sa oras na iyon.
“Akala namin kapatid nakalimutan mo na!” Sabay tudyo ng aking mga kapatid.
“Kahit papaano kapag ganitong may mga okasyon ay palagi naman akong nandito di ba? Ang aking sagot ng may halong pagyayabang.
Marami ang aming napagkwentuhan sa gabing iyon. Naroon ang paniningil ng ilang samaan ng loob. Ang pagbabalik tanaw sa aming kamusmusan at sa nakalipas. Kung paano kami nagsimula. Ang mga di mabilang na pagsubok at kabiguan lalo na noong sabay-sabay kaming apat na magkakapatid sa sekondarya at tersyarya. Hanggang sa mga masasayang alaala na kahit papaano ay nararanasan na rin namin ang kaunting kasaganaan at kaginhawaan sa buhay. Ngunit sa lahat ng aming pinag-usapan, may isang bagay na aming pare-parehong pinakaaasam sa lahat, ang sabay-sabay naming pagkain sa hapag.
Natapos ang gabing iyon na walang puwang ang kalungkutan na para bang napunan ang lahat ng mga pagkukulang sa isa’t isa. Kaya naman sa paglatag ng aking katawan sa kama ay dala rin ang ginhawa ng damdamin at isipan. Umaasang sa aming mga panaginip ay maipararating ang aming wagas na pag-ibig sa isa’t isa. Kaya nagkaroon ako ng isang desisyon na aking sisimulan kinabukasan.
Sa umaga ngang iyon, may kung anong kakaibang sikdo sa aking damdamin. Maaari na sanang mahanapan ng kasagutan kung aking gugustuhin ngunit may bahagi ng aking pagkataong pumipigil. Pero heto na yata at dumarating ang siklo ng buhay. Ang liwanag ay kakainin ng kadiliman. Ang panimula ay kailangan ng wakasan. Ang kaligayahan ay hahalinhan ng kalungkutan at ang tagumpay ay paghaharian ng kabiguan.
“Ano bang nangyayari?” Malakas kong tanong sa aking mga kapatid. Ngunit malamig na mga mata lamang na tinutunaw ng mga umaagos na luha ang nakuha kong kasagutan.

Sunday, July 11, 2010
i almost...gained
i have almost lost a shed an unending tears
i have almost lost a priceless gem
i have almost lost a treasured life
i have almost lost a trusted fate
but....
i have gained the sweetest smile
i have gained tons of diamonds
i have gained eternal spirit
i have gained promising fortune
with...
unfathomable love of God
i have almost lost a priceless gem
i have almost lost a treasured life
i have almost lost a trusted fate
but....
i have gained the sweetest smile
i have gained tons of diamonds
i have gained eternal spirit
i have gained promising fortune
with...
unfathomable love of God
Tuesday, March 23, 2010
From the Desk of the INNHS School Paper Advisers

Ilocos Norte National High School
The Ilocos Norte National High School is sustaining its stature as the Premier School in the North. It has been four years over a century of productive years of existence. It becomes an oasis of total development of individuals as has been proven in the pile of luminaries it has produced.
Presently the INNHS metamorphosed from humble beginning as provincial high school to a nationally acclaimed school. Quality of instruction, curriculum development, new buildings and state-of-the-art facilities are tangible.
Indeed the government solely cannot provide all of these things, yet the school has its own means of addressing the demands of the education system through the overwhelming support of the Local Government Units, Non-Government Organizations, Civic Organizations, Parents Teachers Association and the INNHS Alumni Association.
To underscore, the INNHS Alumni Association have exemplified selfless support to projects of the school like buildings, physical facilities, electronic information system, and financial help. With the relentless support from them in helping the school develop holistically, the tradition of victory in leading numerous competitions and tilts in the division, provincial, regional, national and even international has been sustained.
On a singular note, the INNHS Class 1955 through the leadership of their Class President, Rev. Federico I. Agnir, has given more meaning to the constructed Media Building by donating the RISOGRAPH machine, desktop computer with printer and scanner which have been used in lay-outing and printing of invitations and programs of the school, especially during the INNHS Centennial Anniversary, the 2nd Issue of The Weaver and Ang Manghahabi newsletters, brochures, misallettes, and recently the souvenir book of INHS 1955.
The editorial staff of the school publication is indeed so grateful of all these blessings because its contributory to the perennial winnings in the schools press conferences especially in the group contests wherein they are giving recognition to the best school papers in various categories: best in editorial page, best in feature page, best in news page, best in sports page and best in page layout.
To compliment the donations of Class 1955, Dr. Orlando I. Agnir of INHS Class 1953 donated a laptop computer. This unit has been used by teachers who are attending seminars, trainings, and conferences in the division, regional and national levels. The laptop has also been used in the Audio-Visual Presentations in the school, division and in the regional and national hosting.
During the pilot competition of the Radio Broadcasting, the said unit was used in the technical aspect which is an edge over the other participants. And for two consecutive years now, the Ilocos Norte National High School is one of the finalists in Radio Broadcasting in the National School Press Conference (NSPC) and won the Best in Infomercial in the recently concluded NSPC.
Another great accomplishment of the school through the help of the said unit is when the Philippine Team which includes the INNHS students won an international award in the Southeast Ministers of Education Organization (SEAMEO), Best Web Magazine.
Last February 2010, in the National Schools Press Conference (NSPC) held in Tagum City, Davao del Norte, the school bagged the Best in Feature Page.
For the coming school year there is a recommendation in the NSPC that the competition in the Photojournalism will be in digital form. This is indeed a financial challenge again for the school because Digital SLR Camera is costly. To be more competitive, the school publication would like to organize trainings to the student journalists and the use of LCD projector which is not yet been furnished in the Media Building will be of immense help.
The school is extending its unending gratitude to INHS Class 1955 and Class 1953 for their support especially in the field of journalism.
The accomplishments and achievements of the school are our humble way of expressing our gratitude for your kindness and generosity. You are our genuine partners in the quest for quality education and academic excellence.
The Ilocos Norte National High School truly became the Premier School in the North because it really builds by a community.

Babae, Tagumpay Ka ng Bayan (Isang Monologo)
Babae, Tagumpay Ka ng Bayan
(Isang Monologo)
Richard M. Collado
Maraming dekada na rin ang nakalilipas nang ako’y ikinahon mula sa aklat ng mga tradisyon at paniniwala ng lipunang aking kinagisnan. Niyakap ko ang lahat ng ito ng buong pagsuyo. Walang pag-aalinlangan. Dahil sa buong pag-aakala ko’y ito ang kabuuan ng aking pagkatao, ng pagiging babae. Ngunit nitong huli’y may estrangherong damdaming nag-uumigkas na makawala sa hawla ng kalituhan. Batid kong mayroong nawawalang bahagi ng aking pagkatao. Iyan ang aking hinahanapan ng kasagutan.
Siglo 1900, sa mga panahong ito, dito lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob upang hanapin at maranasan ang mga bagay na ipinagkait sa aming mga babae, na pinaniniwalaang inferior na kasarian, ng pagkamamamayan. Kami’y napagkakaitan ng mga pribilehiyo na naibibigay at nararanasan ng aming mga kapatid na lalaki.
Kaya ang aking mga kapatid na kababaihan sa Estados Unidos, ay nagsimulang magkapit-bisig upang makagapos sa kadena ng hindi makatarungang kalakaran ng lipunan. Binuo nila ang National Women’s Trade Union League na bunsod ng trahediya ng March 1911 Triangle Shirtwaist Factory sa New York City, na siyang kumitil sa 140 nagtatrabahong kababaihan na karamihan sa kanila ay mga Italian at Jewish immigrants dahil sa pagnanais na matuldukan ang hindi makatao at hindi makatarungang kalagayan sa trabaho.
Naibigay man sa amin ang karapatang bumoto (women suffrage) ay hindi makasasapat dahil malayo pa rin sa aming nilalayong pundamental na pagsusuri ng panlipunang katayuan, kalagayan, at partisipasyon naming mga kababaihan.
Ilan lamang sa mga pangyayaring ito ang siyang gumising sa kamalayan ng mga kababaihan sa buong mundo. Bukod pa sa mga nasimulan ng pakikipaglaban ng aking mga ninunong kababaihan katulad nina Melchora Aquino, Gabriela Silang, Josefa Llanes Escoda at Aurora Quezon.
Kaya naman maging sa Europa, si Clara Zetkin at ang Socialist Women’s International ay nakiisa sa pagpapatibay na ang buwan ng Marso partikular sa ika-8 araw nito ay ipagdiriwang ang International Women’s Day, upang bigyang pagkilala ang mga ambag ng mga kababaihan sa buong mundo. Dahil sa gawaing ito, lalong nahikayat ang mga kababaihang humabi ng kasaysayan, katulad ng pag-aalsa ng 10,000 mga kababaihan sa rebolusyon sa Russia sa St. Petersburg noong 1917.
Sa mga dakilang hangarin na ito ng aking mga kapatid na kababaihan, unti-unti kaming nagkakaroon ng ibayong lakas, ang aming mga bulong ay unti-unting naging sigaw at lalong nagkakahugis ang aming katauhan. Nabigyan kami ng panibagong perspektibo sa aming pagiging isang babae.
Ngayon, dahil sa patuloy na pakikipaglaban ng mga kababaihan sa pagpapapatunay ng kanilang kakayahang makilahok sa usaping pandaigdig kinikilala na ngayon ng United Nations ang International Women’s Day.
Hindi nga kami nabigo at lalo pa naming pinagbubuti ang aming mga simulain. Kaya’t sa Pilipinas, sa pamamagitan ng kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa, Pangulong Corazon Aquino, sa bisa ng Proklamasyon blg. 224 na nagpapahayag na ang unang linggo ng Marso ay kikilalaning Women’s Week at mula ika-8 ng Marso taun-taon ay gagawing Women’s Rights and International Peace Day. Hindi lamang iyan, ang Proklamasyon blg. 227 na nagtatalaga na ang buwan ng Marso ay kikilalanin ding ‘Women’s Role in History Month’, idagdag pa ang RA 6949 na nagtatalaga na ang ika-8 ng Marso ay Special Working Holiday at kikilalaning National Women’s Day.
Ang suporta ng pamahalaan sa aming mga kababaihan ay isang buhay na katibayan sa dakila at makabuluhang pakikipaglaban namin sa tradisyunal na perspektibo ng lipunan.
Kaya ako ngayo’y nakalabas na sa aking hawla. Aking ninanamnam ang aking kalayaan kasama ko ang aking mga kapatid na kababaihan sa lahat ng mukha ng hanapbuhay at lugar. Pulis, sundalo, piloto, inhinyero, abogado, politiko, welder, construction worker, at drayber. Lubos ang aming kaligayahan sa pagpasok namin sa mundong ito na matagal na naming pinakaaasam-asam. Di matatawaran ang aming tibay sa anumang unos ng buhay. Kami’y nagtagumpay sa aming panatang pakikitalad sa ngalan ng pagkakapantay-pantay na naging daan sa pagpasa sa Magna Carta of Women, pagsasagawa ng Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women, ang Beijing Platform for Action, ang Millennium Development Goals (2000-2015), ang Philippine Plan for Gender-Responsive Development (1995-2025), at ang Framework Plan for Women.
Kaming mga nilalang na hinugot sa tadyang ng mga kalalakihan ay hindi katunggali kundi’y katuwang sa isang wagas, dalisay at dakilang adhika. Kami’y handang makipagsandugo sa paghilom sa sugat ng bayan na nagnaknak sa paglipad ng dahon ng panahon. Kaming mga babae, ay buong tapang na nakikiisa sa tagumpay ng bayan.

Subscribe to:
Posts (Atom)