Tuesday, August 28, 2012

Random Thoughts

August 24, 2012 6:15 in the Evening @ Room 13 Random Thoughts It was indeed an exhausting day. What’s new about it anyway? As if it was the first time I had this kind of day. From the time I got up from bed, doing the routinely work at home before going to school facing different kinds of students, of different family backgrounds and behaviors, spending about 7 hours a day teaching and a short hour of rest to complete the 8 hours required from a government employee. After 5 in the afternoon, I need to fix my things up and do some paper works before getting some physical workout to release stress. If I have an ample time, I attend to some invitations and other engagements on my civic and spiritual life. Well, I’m not used to writing stuffs like this; I just don’t understand myself why instead of doing some paper works for the school I decided to tap this poor little netbook, spilling some words. Can I say I’m being “emo” this time? It could be. It may sound so awkward, because at my age I don’t think it is fitting to act this way. But wait, I don’t think so; age is just a number as they say. Getting old is a matter of attitude. What If I’ll say I don’t feel like my age? Who will contest to that anyway. For instance, just this morning, I have joined some of our students dancing and yelling with the US 7 Fleet Band at the gymnasium. I also had a short yet fulfilling time playing the “mix”, which is a phenomenal game of most of our students, after we have fixed the stage for the afternoon’s activity. And just a while ago, I have enjoined doing a face painting session with my extremely active and dearly love, IV – Zodiac. I might have just driven by their efforts of having some bonding moments with me, which I’m looking forward too. I understand, as if they are challenging for a race when it comes to work. They are as busy as I am. Whenever I entered our classroom, they are doing a lot of things and sometimes some of them didn’t bother to acknowledge my presence, well I hope I don’t sound bitter and as if Im sour grapping, because honestly I don’t mind at all. I might have been like a chatterbox, what do I want to articulate in here, ahhh yes, I just have realized that next week will be an additional year for me. Yesterday, I had an accidental conversation with some of my co-teachers where we shared some significant and fond memories of our stay here at Ilocos Norte National High School where we can say, it has really molded us to what we are now, with improved professional life and added confidence in ourselves. We really have varied experiences which are really priceless. As I went back to my classroom to fix my things I realized that I am really so blessed and that whatever things that come my way I have to take them constructively so I can move forward and try to be victorious from one trial to another. I have o admit for the past weeks, I’m being affected by the seemingly called words which I have mentioned that have caused pain to one of my co teachers, I know myself to be a straightforward person but not as tactless as what believe in, if I will be permitted to interpret that way. I really felt so sorry about that. I pity that person who said that, if he/she really did it. I have learned also that when I was out of the country, some of my friends are considering me as “mayabang” and “all-knowing”! Ohhhh… its getting below the belt. I need a lot of oxygen to take it. Mind you their names are even being mentioned! But, I’m sorry, I have revolve a little bit of my old self. Instead of confronting these people, I just have prayed for them. However, If they are just being used by people who love looking at people in trouble, I will never ever give them a reason to happy and triumphant. And now as I’m getting ready for our Household Prayer Meeting, I have this feeling of relief. What a blessing from the Lord, that I didn’t plan at all to do this reflection, but He sent His Holy Spirit to speak before me. A moment of discernment, of drawing conclusions that I shouldn’t look at things in its superficial sense but getting deeper for it is in there that I have receive more blessings of truth, faithfulness, loyalty, friendship, trust and love from people whom the Lord have touched to make my life in this world meaningful. I just wished that on the 29th of August of 2012, I will receive blessings in mysterious ways. Therefore, instead of being emotional, I have to rejoice because I believe that He has given me the best family, friends, students, co-workers and community where I could feel his infinite kindness and love that I will always see His face of every man.

Wikang Katutubo, Wikang Filipino at ng Panahon ng Modernismo

Wikang Katutubo, Wikang Filipino at ng Panahon ng Modernismo Richard M. Collado “Lunes pala bukas!” Kailangan ko na namang bumangon nang maaga. Magkakaroon na naman kami ng Convocation. Kagaya ng dati. Magkakaroon ng panalangin, pag-awit ng Lupang Hinirang, pagbigkas ng Panatang Makabayan at Panunumpa sa Watawat at pag-awit ng INNHS Hymn. Isa lang ang siguradong bago, mga kuwentuhang di na naman maputol-putol sa nakaraang dalawang araw ng bakasyon. Bago ako humiga sa aking kama, nakita ko ang kalendaryo na hindi pa pala napipilas ang dahon ng Hulyo ngayong Agosto na pala. Biglang may kung anong saya na aking nadarama. Hindi ko kasi pinalalampas ang unang Lunes ng buwan ng Agosto sapagkat ito’y naiiba sa mga araw ng paaralan. Masigla ang pagdiriwang dahil sa mga aktibidades lalo na sa pampinid na palatuntunan na puno ng mga sorpresa idagdag pa ang malutong na paggamit ng wikang Filipino. Maaring ang aking nadarama ay hindi kagaya ng karamihan sa aming paaralan. Kaya ako’y may pag-aatubili upang ito’y aming mapag-usapan. Baka kung sasabihin kong ako’y lubos na nagagalak at mabibigyan na naman ng halaga ang wikang Filipino, ako’y pagtatawanan lamang. Iba na raw kasi ang aming panahon, kaya nagbabago rin ang aming kultura. Mabilis ang pagbabago, kaya upang hindi mawala, kailangang makipagsabayan, yakapin ang pagbabago. Ngunit kailangan bang sumabay ding magbago ang paggamit ng wika? Sa ganang akin, musmos man sa inyong paningin ay unti-unting nagkakabagwis ang aking isip at damdamin. Batid kong sa aking mga kababata sasabihin nila ngayon sa akin, “Magpakatotoo ka nga!” dahil hindi nila matanggap na mayroon pa ring kagaya kong likas at wagas ang pagpapahalaga sa aking wika. Wikang aking kinamulatan, humubog sa aking katauhan, tulay upang mapayaman ang aking kaalaman. Kaya ako’y lubusang natutuwa dahil sa kasalukuyang kalakaran ng edukasyon partikular sa bagong kurikulum na K to 12, isinusulong ang Mother Tongue bilang wikang panturo sa gradong primarya sa mababang paaralan. Isang patunay na kinikilala ang kahalagahan ng bernakular at katutubong wika sa pag-aaral. Bakit kasi natin makalilimutan ang wikang ating kinalakhan? Hindi naman ito magiging bahid ng kababawan. Kung ikaw ay may mayamang kaalaman kailangang ito’y ibahagi sa pamamaraang naiintindihan ng karamihan. Iyan ang paggamit ng wikang bernakular. Sinasabi ng mga lingwistika na may 160-170ng wika sa buong Pilipinas – pansampu sa pinakamarami sa buong mundo. Kaya ang pagtutulungan ng mga wikang pambansa, lokal at dayuhan sa buhay nating mga Pilipino ay siyang nagpapatotoo kung gaano tayo ka-linguistically at culturally diverse, isang bagay na dapat nating ipagbunyi kung ating masuri nang mabuti ang kabuluhan nito. Kailangan nating mabatid na sa kabila ng dibersidad ng wika sa ating bansa ay sinusunod ang isang patakarang bilinggwal sa edukasyon. Ingles para sa English, Math at Science; Filipino para sa iba pang asignatura. Subalit, hindi maiiwasang gamitin ng mga guro ang bernakular o lokal na wika para ituro ang nilalaman at konsepto ng mga aralin – sa elementarya, sekundarya at maging sa kolehiyo. Kaya nga sinasabi ng ilan, “Sa papel ay bilinggwal, sa aktwal naman ay multilinggwal na patakaran ang ipinatutupad.” Kaya di maisasantabi ang katutubong wika. Ang pagkilala sa ating katutubong wika ay umaayon sa global framework ng cultural diversity at linguistic diversity ng UNESCO. Ibig ng UNO na maitanim sa isip ng lahat ang pantay-pantay na halaga ng mga nabubuhay pang wika, wika man itong internasyunal o wika ng isang maliit na tribu. Kinikilala ang wikang katutubo bilang imbakan ng karunungang kailangan ng Filipino upang higit na umunlad at maging pambansa ang nilalaman. Ang pagkakaroon natin ng napakayamang wika ay nagpapatatag sa ating wikang pambansa – ang Filipino na nakasaad sa Probisyong Pangwika sa Saligang Batas ng 1986, Artkulo XIV, Seksyon 6-9. Malayo na ang narating sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Hindi ito Tagalog tulad ng puna ng iba. Ito ay binubuo ng iba’t ibang katutubo at hiram na salita galing sa ating mga kapitbahay sa Asya. Ang anak, susi, ate, kuya, ay hango sa Malay at Chino. Kung mayroon lamang tayong sapat na pagsusuri, malalaman nating ito nga ay totoo. Kaya kapwa ko kabataan sa modernong panahon, ikinahihiya mo bang gamitin ang ating sariling wika at ng wikang Filipino? Kung ang atin ngang pangulo ay ginagamit ang wikang Filipino kahit sa mga pormal na okasyon tayo pa kaya? Kailangang parubdubin tayo ng katotohanang, walang bansang umunlad na di gumamit ng sariling wika. Inaalog man tayo ng wika ng modernong kultura na maihahalintulad sa isang ukulele, hindi mapapalitan ang tunay at tamis ng wikang Filipino na nagdadala ng ganda ng orkestra. Sana’y tumagos sa kaluluwa natin ang sabi ng isang katutubo. Anya, kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon. Pero, kailangan natin ang wikang sarili para mabuhay ng habampanahon. Sa mga kaisipang ito, magkakaroon ako ng bagong sigla upang harapin ang bagong umaga. Bukas sisimulan kong hindi madiktahan ng sinasabi ng modernong panahon bagkus buong lakas kong isusulong kahit sa aking pinakapayak na paraan hanggang ang aking aking mga kababata ay unti-unting babalik sa aming inang wikang, humele sa duyan ng aming kamusmusan.

KALIDAD NA ESTADISTIKA SA PANGANGALAGANG PANLIPUNAN: PAGPAPAHUSAY NG GAWA, PAGPAPAUNLAD NG BUHAY

KALIDAD NA ESTADISTIKA SA PANGANGALAGANG PANLIPUNAN: PAGPAPAHUSAY NG GAWA, PAGPAPAUNLAD NG BUHAY Richard M. Collado “Ang katotohan ang siyang magbibigay sa atin ng kalayaan. “ Maging sa modernong panahon, ang paniniwalang ito ay animo’y isang klasikong awitin. Nananatili ang kahulugan at kabuluhan kahit lumipas pa ang ilang heneresyon. Sa larangan ng edukasyon, inilathala noong September 24 na ang mga kinikilalang unibesidad ay hindi nakapasok sa 300 world university rankings sa taong 2011-2012 bagamat ang Unibersidad ng Pilipinas pa rin ang pinakamataas sa bansa sa pwestong 332. Kung ang ating pagbabasehan ay ang Gross Domestic Product, ang Pilipinas ay pang-anim sa pinakamababa sa Timog-Silangang Asya. Nitong nakaraang Setyembre 10, umaabot sa 70, 204 ang mga kaso ng dengue sa ating bansa bagamat ito ay bumaba ng 52% kung ikukumpara sa nakaraang taon. Ito ay ilan lamang sa mga katotohanang inaasam nating tayo ay makalalaya. Nakalulungkot isipin na ito ang larawan ng Pilipinas ngunit hindi lingid sa kaalaman ng mga Pilipino na ang lahi natin ang isa sa may pinakapositibong pananaw sa buhay sa buong mundo, pinipilit pa ring bumangon at nagpapakatatag upang ito’y malampasan. Sa kasalukuyang administrasyon, maraming mga hamon ang mga naghihintay na mapag-ukulan ng pansin. Kaya’t bilang pagsisimula, hinihikayat ni pangulong PNoy ang ating pagtahak sa ‘tuwid na landas’. Upang ito’y makamit kailangang baguhin ang mga tradisyunal na pananaw. Ang pagbibigay ng labis na pagpapahalaga sa mga opisyales ng pamahalaan ay hindi nararapat, sapagkat hindi sila dapat pagsilbihan, sila dapat ang magsilbi sa bayan. Kaya ngayon, pinaiigting niya ang kanyang kasunduan sa bayan - ang pagbibigay halaga sa nakararami at hindi sa iilan lamang na nakikinabang. Noong Setyembre 2000, ang mga pinuno ng 189 na bansang kasapi ng United Nations (UN) ay nagtipun-tipon sa Millenium Summit upang pagtibayin ang kanilang panata sa pagsugpo sa kahirapan at sa lahat ng uri ng pagsasamantala sa kapakanan ng mamamayan batay sa UN Millenium Declaration. Ang kanilang mithiin ay mabubuo sa pamamagitan ng walong Millenium Development Goals na inaasahang matutupad sa 2015. Ang Pilipinas, bilang isa sa mga lumagda sa UN Millenium Declaration, ay nakiisa upang ito’y makamtan. Upang lalong mapagtibay ang suporta at pagsisiyasat sa tunguhin ng MDGs ang National Statistical Coordination Board (NSCB) ay naatasan sa bisa ng Resolution blg. 10 serye 2004 upang mamahala sa pangangalap ng mga datos sa tulong ng iba pang data sources at stakeholders sa pagsubaybay sa pagpapatupad ng tunguhing ito. Kung sa usapin ng kahandaan ng mga datos bilang pagsuporta sa MDG, base sa ulat ng United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (UN-ESCAP) noong 2003, ang Pilipinas ay nangunguna sa lahat ng 11 bansa sa Timog-Silangang Asya at pang-apat sa buong Asya Pasipiko. Ang programang MDG 2015 ng United Nations ay patuloy na itinataguyod ng ating bansa. Kaya ang pamahalaan ay gumagawa ng mga paraan upang matugunan ang mga hamong ito. Sa pamamagitan ng pinaigting na Community-Based Monitoring System, mas napadali ang pagbuo ng mga konklusyon at rekomendasyon batay sa pagsusuri sa pamamagitan ng estadistika na nagiging batayan sa paglulunsad ng mga programa bilang katugunan sa mga pangangailangan. Kung susuriin ang naging sentro ng walong agenda ng MDG ay sa pangangalagang panlipunan na umunlad sa European Union. Bagamat ang modelo na ginagamit sa programa ukol sa pangangalagang panlipunan ay naiiba sa bawat bansa ayon sa kanilang pangangailangan. Sa Pilipinas, ang panlipunang serbisyo ay sumasakop sa batayang edukasyon, kalusugan ng publiko at programa sa conditional cash transfer na mas kilala sa tawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Upang makaagapay sa programang ito, batay sa panukalang nasyunal na budget para sa taong 2012 na 1.85 trilyong piso na katumbas ng 41.85 bilyong dolyar ay tumaas ng 10.4 porsiyento sa kasalukuyang taon. Ang pinakamalaking budget ay napunta sa panlipunang serbisyo na may tatlumpong (30) porsiyento. Dalawamput limang (25) porsiyento naman ang napunta sa serbisyong pang-ekomoniya na nakalaan para sa imprastraktura, agrikultura, turismo at industriya. Samantala, ang pangkalahatang serbisyo sa publiko ay makatatanggap ng 17.7 porsiyento at 6.1 porsiyento ang mapupunta sa sektor ng defens. Kung susuriin ang nasyunal na budget sa 2012, inaasahang magkakaroon ng pagbabago sa buhay ni Juan dela Cruz lalo pa’t ang mga mahahalagang pangangailangan ng mga mamayan ay lubos na binigyan ng pansin. Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula nang simulan noong 2008, ay naging isa sa mga pinakamalaking programa sa pagsugpo ng kahirapan at pangangalagang panlipunan. Dahil sa matagumpay na implementasyon ng programang ito sa ibang bansa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Pilipinas na itinuturing na isa sa mga ahensya ng pamahalaan na lubusang nagbibigay halaga sa integridad sa kabila ng patuloy na umiiral na korupsyon. Kaya mula noong 2006 ito ang nananatiling nangunguna ayon sa Pulse Asia. Ang programang ito ay naglunsad ng 6,000 na benepisyari sa 4 na munisipalidad at 2 siyudad noong 2007. Noong nakaraang Enero sa taong ito, ang 4Ps ay may halos 1 milyong benepisyari sa 782 siyudad at munisipalidad sa 81 probinsya sa 17 rehiyon ng Pilipinas. Kung mapaninindigan ng ating pamahalaan ang magandang pagpapatakbo sa mga programang ito hindi lalayo ang agwat ng mga mayayaman at ng mga mahihirap. Kahit pa sa kabila ng pagkilala sa Pilipinas bilang ika-12 na may pinakamalaking populasyon sa buong mundo na tinatayang may humigit 99 milyon, hindi ito magiging kapintasan kung ang mga mamamayan nito ay namumuhay ng may dignidad at produktibo dahil naibibigay sa kanila ang nararapat. Kaya naman, sa mapanagutang pagpapatupad sa mga programang ito, unti-unting lumiliit ang bilang ng mga Pilipinong masasabing dumaranas ng kahirapan. Katulad na lamang halimbawa ayon sa opisyal na Poverty Statistics noong 2009 na ipinalabas ng National Statisctics Coordination Board, ang isang Pilipino ay nangangailangan ng 974 piso upang masustentuhan ang buwanang pagkain at 1,403 piso upang makaahon sa kahirapan. Ang mga naiuulat sa media: pahayagan, radyo at telebisyon, kaakibat ng mga datos mula sa pananaliksik at pag-aaral, kasama ng may kalidad na estadistika ay lubusang nakatutulong upang mabigyan ng larawan ang mga mamamayan ng kasalukuyang kalagayan ng bansa sa lahat ng aspeto ng buhay. Ito’y nagisislbing paalaala upang gumawa ng mga bagong kaparaanan bilang kasagutan sa mga umiiral na pambansang suliranin. Dahil sa mga estadistikang lumalabas naging mas maagap ang mga kinauukulan upang gumawa ng mga pagkilos. Isang patunay ay ang pagpapahayag ng ating Pangulo sa kanyang pagdalaw sa Estados Unidos na ang ating bansa ay nakaipon ng 900 bilyon sa loob ng isang taong pamumuno. Bilang kabataan na nasa kasibulan ng panahon, nasisiyahan akong marinig na nagbabago na ang paningin ng mundo sa Pilipinas, hindi na Bansa ng Magnanakaw, hindi na Bansa ng Domestic Helper, hindi na bansang corrupt ang Pangulo. Ito’y isang napakalaking hamon sa lahat ng ahensya ng pamahalaan upang pag-ibayuhin ang kanilang napakadakilang pagsisimula ng pagbabago. Gaano man kaliit o kapayak ang mga hakbang na ito, pakaisipin natin na sa maliit nagsisimula ang mga malalaking bagay. Hindi maiiwasan na kung minsan hindi natin matanggap ang mga lumalabas na estadistika sa lalo na’t ito’y kaugnay ng pangangalagang panlipunan, dahil sa ating sariling kapabayaan at pagsasawalang bahala, ngunit ito ang katotohanan. Sa halip na magsawalang balikat, ito’y ating tanggapin at harapin upang makagawa tayo ng pagbabago sapagkat ang katotohanan ang magpapalaya sa atin sa kahirapan, magpapahusay sa ating gawa at magpapaunlad sa ating buhay. Mga kapwa ko Pilipino, halina! Samahan natin ang ating Pangulo sa kanyang mga adhikain, at maniwala tayo sa katotohanan na laging namumutawi sa kanyang bibig – “kung walang corrupt, walang mahirap”.

Saturday, January 29, 2011

TATLUMPO’T LIMANG TAONG SUMPAAN

TATLUMPO’T LIMANG TAONG SUMPAAN
The Official Theme Song of Trifonio and Eufemia Collado 35th Wedding Anniversary

Lyrics: Richard M. Collado
Music: Richard M. Collado
Instrument: Angelbert Laureta
Interpreter: Rosemarie, Roselie, Richard and Braian Collado

IPINAGKALOOB KA SA AKIN NG MAYKAPAL
KASAGUTAN KA SA AKING MGA DASAL
MAKAPILING KA HABAMBUHAY
KARAMAY SA LIGAYA AT LUMBAY

MAGKASAMANG NANGARAP NG PAMILYA
TIGIB NG PAGMAMAHAL AT PANG-UNAWA
HINASA NG MGA UNOS, PINATIBAY NG PAG-ASA
HANGGANG NGAYO’Y KARUGTONG NG ISA’T ISA

Koro:
TATLUMPO’T LIMANG TAON NOON AY ISANG PANGARAP
ANG LAYONG MARATING, NGAYO’Y ISA NANG GANAP
MGA SUPLING LUMAKI AT NAMUNGA NA RIN
SILANG NAGPAPAALAB SA PAG-IIBIGAN NATIN

SA HARAP NG DIYOS MULI TAYONG MANUMPA
KAMATAYAN LANG TUTULDOK SA PAGSASAMA
SA KABILANG BUHAYNA LANG DUDUGTUNGAN
DAKILANG PAG-IBIG MULING PAGSALUHAN


DUMALAW MAN KALUNGKUTAN AT PIGHATI
PAG-IBIG NA WAGAS AY MANANATILI
SISIKAPING DI PAGAGAPI, SINUMANG MAGMITHI
PATUNAYANG SUMPAA’Y HINDI MASASAWI


TAYO’Y MANANANATILING SAKSI SANA
SA HIWAGA NG PAG-IBIG NA DAKILA
ANG HABA NG PANAHONG TAYO’Y MALIGAYA
NASA ATING PUSO ANG PAGTITIWALA

Wednesday, January 12, 2011

Saan Aabot ang Iyong 20 Piso?

SAAN AABOT ANG IYONG 20 PISO?
Richard M. Collado


“Saan aabot ang iyong 20 piso?” ‘ yan ang linyang pambungad ng isang patalastas sa telebisyon. Kung hindi sinagot kaagad ng nasabing patalastas marahil kung anu-ano pa ang ating maiisip. At ngayon nga may bago na naman, ang 5 piso ay maaaring aabot sa isang linggo. Napakagaling nga ng mga gumagawa ng mga patalastas ngayon. Talagang nakukuha nila ang atensyon ng publiko. Paano nga kasi, karamihan sa mga Pilipino ay talaga nga namang naghihigpit ng sinturon sa lahat ng mga bagay dahil sa hindi mapigil-pigil na paglala ng kahirapan.
Katatapos nga lang ng bakasyon. Dalawang buwan din ito. Ngunit ilan kaya sa mga kabataan ang makapagsasabing, ang dalawang buwang ito ay sadyang makabuluhan sa kanila. Ilan naman kaya sa mga magulang ang natutuwa na tapos na ang bakasyon o natutuwa nga kaya sila? O lalo silang kinakabahan dahil sa gastusin sa panahon ng pasukan?
Kadalasan, pinaniniwalaan ng mga kabataan na kakambal ng pagsasaya ang dalawang buwang bakasyon. Sila’y libre sa mga nakahahamong gawain sa klase. Ngunit di naman ganoon kadali sa lahat. Dahil ang mga ilan sa kanila ay nagtatrabaho rin upang makapag-ipon ng kaunti para sa pasukan at makatulong sa mga magulang. Iyan ang katotohanan. Napakaswerte nga lang ng iba, lalo na kung ang kanilang pamilya ay may kaya nakapagliliwaliw at nakakapamasyal sila sa mga lugar na talaga nga namang makapagbibigay ng kakaibang ginhawa mula sa pang-araw-araw na mga gawain.
At heto na nga, pasukan na naman. Paano kaya makahahabol ang mga kabataang kapos sa pera upang mabigyan ang sarili ng kasiyahan kahit tapos na ang baksyon? May maaabot pa kaya ang kanilang 5 piso? 20 piso? Paano kaya sila makakapamasyal sa halagang iyan kung ang pamasahe na nga lang sa traysikel ay 8 piso na. Kung mamalasin at wala kang makasabay dududlehin pa. Saan na ang iyong 20 piso?
Ngunit huwag mag-alala. Sa ngayon may solusyon na tayo riyan. Kung gugustuhin natin may magagawa tayo. Basta gamitin lang nang tama ang ating panahon at pera. Ang halagang 20 piso ay malayo ang maabot nito. Makararating ka sa ibayong dagat o kahit saan pang lupalop ng mundo sa loob lang ng isang oras. Hindi ito imposible! Ito’y pawang katotohanan.
Isang lugar lamang ang pupuntahan at pwede mo nang makamit ang iyong pinakaaasam. Nagkalat ito sa palibot ng mga paaralan o maaaring sa loob mismo ng paaralan. Mata at kamay lamang ang kelangan at ang iyong 20 piso, sa loob ng isang oras, marami ka ng mapupuntahan. Ang paggamit ng tama sa tinatawag natin na world wide web (www) o minsan pinakapalasak nang tawag ang internet ay malaki ang naitutulong sa atin sa kahit na anong larangan. Ekonomiya, pulitika, pamahalaan, kalikasan, turismo at marami pang iba. Ipindot mo lang ang gusto mo at bibigyan ka nito ng kasagutan.
Kaya naman huwag tayong dapat malungkot kung tayo’y hindi nakapagbakasyon. Dahil makahahabol pa tayo. Mararating pa rin natin ang mga lugar na gustong mapuntahan. Hindi man tayo pisikal na makapupunta roon ngunit sa pamamagitan ng ating mayamang imahinasyon at pagkamalikhain mabibigyan natin ng kasiyahan ang ating sarili. Marami ngayon sa mga anunsiyo sa telebisyon o programa sa telebisyon na nagtatampok sa mga magagandang pasyalan. Dito ibinibigay nila ang kanilang mga website upang mabisita natin ang mga lugar na ito at lalo tayong mabigyan ng impormasyon. Para sa mas marami pang lugar na pwedeng pasylan mag log on sa website ng Department of Tourism (DOT) at doon makikita ang mga links ng mga lugar na gustong mapuntahan. Di mo na kailangan pang magpagod sa biyahe, gumastos ng mahal, at gugulin ang ilang araw o linggo upang malibot ang mga ito. Dahil maaari mo itong gawin sa loob ng isang oras sa halagang 20 piso.
Ang 20 piso kung iisipin ay parang wala ng halaga, ngunit sa isang kabataang lubusang nagtitipid sa pera, may pagmamalasakit sa mga magulang at pamilya, at may pagpapahalaga sa kaalaman at edukasyon ang halagang ito ay malaki ang mararating. Sa taong panuruang ito, sana’y lubusang makatulong ang bawat 20 piso upang makamit ang pinakaaasam na magkakaroon ng karagdagang kaalaman sa maraming makabuluhang bagay.
Ikaw, ano naman ang naiisip mong makabuluhang bagay na aabutin ng iyong 20 piso?

Tuesday, July 27, 2010

Nang Magbiro ang Tadhana

Nang Magbiro ang Tadhana
Richard M. Collado

Tumatama sa aking mata ang sinag ng araw na dahilan upang maantala ang aking kamalayan mula sa aking mapayapang pagtulog. Bumangon ako sa aking higaan. Lumabas sa aking kuwarto at nabungaran ko ang aking nanay na nakaupo sa sofa. Blangko ang mukha. Ang direksiyon ng mata’y tumatagos sa tinitingnan. Habang ang panganay naming si ate Maria ay abala sa kusina ngunit hindi masyadong malinaw sa akin kung ano ang pinagkakaabalahan. Dahil sanay na ako sa kanya na iyon ang ginagawa araw-araw, hindi ko ito masyadong binigyan ng pansin. Ngunit ang umagang ito’y hindi ordinaryo sa mga nagdaang mga taon. Mayroon akong kakaibang nararamdaman ngunit gusto kong marinig ang kasagutan mula sa bibig ng aking mga kasambahay.
Simula nang ako’y magkatrabaho, animo’y bigla akong nagkaroon ng mga pakpak sa maraming bagay. Ipinagkaloob sa akin ang salitang emansipasyon. Mula sa pananamit, sa uri ng gupit, sa organisasyong sinasalihan, sa mga okasyong dinadaluhan at higit sa lahat sa oras ng pag-uwi.
“Ang gusto namin ng nanay ninyo, kapag nakapagtapos na kayo at nagkatrabaho, gamitin ninyo ang inyong kita sa mga bagay na hindi namin naibigay sa inyo.” Ang linyang iyan ay parang isang klasikong musika sa aming pandinig. Ito’y nagbibigay sa amin ng inspirasyon at pag-asa bukod pa sa nararanasan naming pag-aaruga at nakikita naming kasipagan ng aming mga magulang. At ito’y kanilang pinaninindigan hanggang sa kasalukuyan.
Nakagawian na naming magkakapatid ang ganitong pagpapalaya sa amin ng aming mga magulang. Ngunit may mga pagkakataon naman talagang, nagbibigay sila sa amin ng mga paalaala. Sa aming magkakapatid ako na siguro ang pinakaagresibo sa pagkamit ng kalayaang ito. Dahil dito, nawalan ako ng panahon sa aking mga magulang at mga kapatid.
Pag-umuuwi ako sa bahay sa gabi, nadaratnan kong bukas ang ilaw. Ito ang ginagamit nina nanay at tatay na palatandaan na may kasambahay pang hindi umuuwi. Bumubungad sa akin ang hungkag na sala at ang hapag na may natatakpang pagkain. Na madalas namang hindi ko na ginagalaw dahil tinatamad na akong kumain o di naman kaya ay busog na ako.
May mga pagkakataon namang medyo maaga-aga ako sa pag-uwi, lumalabas sina nanay at tatay sa kanilang kwarto upang makipagkwentuhan sa akin. Dahil kung hindi nila iyon gagawin maaaring hindi na kami magkakaroon pa ng oras kinabukasan dahil alas sais y medya pa lamang ay wala na ako sa bahay dahil sa trabaho. Alas diyes ng gabi ako kadalasang umuuwi. Hindi sa ayaw ko sa bahay kundi dahil sa mga bagay na nakakapagpasaya sa akin sa labas. Ngunit sa katunayan ay sa bahay ko lamang nararamdaman ang kapayapaan at kapanatagan ng loob.
Hindi ko man naipararating sa kanila kung gaano ko sila kamahal ay naipaaabot ko naman sa kanila sa ilang mga bagay at pagkakataon. Kapag may ispesyal na okasyon, ay hindi ko nakalilimutang mag-abot ng regalo. Kapag araw ng sahuran ay hindi ko nakaliligtaang bumili ng mga kakailanganin sa bahay.
Medyo maaga ako sa pag-uwi isang gabi ng linggo, dakong alas otso, galing sa simbahan. Nadatnan ko silang lahat sa hapag kainan. Masaya silang kumakain at nagkukuwentuhan.
“Anak andyan kana pala. Halika ka na, kain na”. Tawag ni nanay pagkakita niya sa akin. Mayroon akong pag-aatubiling lumapit. Doon ko biglang naramdaman ang aking pagkukulang. Ngunit hindi ko na ipinahalata.
“Nahuli na ba ako? “ Iyon na lamang ang nahagilap kong sabihin. At dali-dali akong lumapit sa kanila at niyakap si tatay sabay abot sa kanya ang aking regalo.
“Happy Fathers’ Day tay”, buong galak kong sinabi. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ng aking ama.
“Salamat anak. Sana ganito ka kaaga palagi kung umuwi”. Walang kasing liwanag na sagot ng aking ama.
Wala akong mahagilap na magandang sagot sa pagkakataong ito kaya ngumiti na lang ako, dahil iyon ang alam kong pinakamabuti sa oras na iyon.
“Akala namin kapatid nakalimutan mo na!” Sabay tudyo ng aking mga kapatid.
“Kahit papaano kapag ganitong may mga okasyon ay palagi naman akong nandito di ba? Ang aking sagot ng may halong pagyayabang.
Marami ang aming napagkwentuhan sa gabing iyon. Naroon ang paniningil ng ilang samaan ng loob. Ang pagbabalik tanaw sa aming kamusmusan at sa nakalipas. Kung paano kami nagsimula. Ang mga di mabilang na pagsubok at kabiguan lalo na noong sabay-sabay kaming apat na magkakapatid sa sekondarya at tersyarya. Hanggang sa mga masasayang alaala na kahit papaano ay nararanasan na rin namin ang kaunting kasaganaan at kaginhawaan sa buhay. Ngunit sa lahat ng aming pinag-usapan, may isang bagay na aming pare-parehong pinakaaasam sa lahat, ang sabay-sabay naming pagkain sa hapag.
Natapos ang gabing iyon na walang puwang ang kalungkutan na para bang napunan ang lahat ng mga pagkukulang sa isa’t isa. Kaya naman sa paglatag ng aking katawan sa kama ay dala rin ang ginhawa ng damdamin at isipan. Umaasang sa aming mga panaginip ay maipararating ang aming wagas na pag-ibig sa isa’t isa. Kaya nagkaroon ako ng isang desisyon na aking sisimulan kinabukasan.
Sa umaga ngang iyon, may kung anong kakaibang sikdo sa aking damdamin. Maaari na sanang mahanapan ng kasagutan kung aking gugustuhin ngunit may bahagi ng aking pagkataong pumipigil. Pero heto na yata at dumarating ang siklo ng buhay. Ang liwanag ay kakainin ng kadiliman. Ang panimula ay kailangan ng wakasan. Ang kaligayahan ay hahalinhan ng kalungkutan at ang tagumpay ay paghaharian ng kabiguan.
“Ano bang nangyayari?” Malakas kong tanong sa aking mga kapatid. Ngunit malamig na mga mata lamang na tinutunaw ng mga umaagos na luha ang nakuha kong kasagutan.

Sunday, July 11, 2010

i almost...gained

i have almost lost a shed an unending tears
i have almost lost a priceless gem
i have almost lost a treasured life
i have almost lost a trusted fate

but....

i have gained the sweetest smile
i have gained tons of diamonds
i have gained eternal spirit
i have gained promising fortune

with...

unfathomable love of God